nagising ako sa yugyog ni mama. umaga na naman pala. kailangan ko na namang pumasok. ganito naman talaga ang buhay ng mga paslit na katulad ko diba? gigising ng maaga para pumasok sa paaralang ilang bloke lang naman ang layo mula samin, mga tatlong minutong lakaran lang.
tumigil ang pagyugyog sakin ni mama. siguro dahil iniisip nya na babangon na rin naman ako maya-maya lang. unti-unti kong idinilat ang pupungas pungas kong mga mata. sa totoo lang, nakakasawa rin naman yung ganito. maaga kong gigising araw-araw para pumasok sa eskwela para pag-aralan ang mga bagay na di ko na naman kailangan pag-aralan. alam ko na naman kasi yun kaya naiinis ako kapag paulit-ulit na tinuturo ng mga mam namin. pero kailangan kong pumasok. kaya bumangon na rin ako kahit gusto ko pang mahiga.
'sabagay.' naisip ko, okay na rin palang pumasok. mas marami ngang kalaro dun e. dito kasi sa bahay, wala akong makalaro, computer lang ang kaharap ko buong araw. ang ate ko naman, sa hapon na dumarating kaya hapon ko na lang din siya nakakalaro. saka isa pa, kapag pumasok ako, makikita ko na naman si kei. kaklase ko sya. sya ang pinakamaganda sa lahat kaya nga cr-- ano nga ulit ang tawag ni visti dun? crush? sabi ni visti, ang ibig sabihin daw ng crush, gusto mo. kaya ako, crush ko talaga si kei. lagi kaming magkatabi sa upuan. lagi ko siyang binibigyan ng baon ko. magkasabay kaming kumakain kapag recess. hinahatid ko siya sa bahay nila kapag uwian, nadadaanan ko naman kasi talaga ang bahay nila kapag pauwi na ko. napangiti ako bigla. GUSTO KO NG PUMASOK. gusto ko ng makasabay kumain, magbasa, at umuwi si kei.
nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. muntik pa kong madulas sa hagdan sa sobrang pagmamadali ko. mahuhuli na kasi ko sa klase, hindi na kami makakapaglaro ni kei. medyo nanibago ako pagdating ko sa ibaba. tahimik lang kumakain sila mama. hindi naman sila ganon, madalas kasi, kapag umaga ay pinag-uusapan na nila kung ano ang iuulam sa tanghalian, ang nanalo sa laro ng PBA, at ang mga maiinit na tsismis ng araw na yon. kaya nga nagtataka kung bakit tahimik sila. hindi na ko nagtanong. kumain na lang ako ng tahimik at pumunta sa banyo pagkatapos. binilisan ko ang ligo.
pagkalabas ko ng banyo, nakita ko na parang may pinag-uusapan sila pero nahinto nung lumabas ako. nagtaka tuloy ako. ginagawa lang naman nila yun kapag nagsusumbong sa kanila ang mam ko. ayaw kasi nilang ipaalam sakin agad kaya ganun. pero tumuloy pa rin ako sa kuwarto para magbihis. ilang minuto na lamang pala at mag-uumpisa na ang flag ceremony. hindi na kami makakapaglaro ni kei. pagdating ko kasi dun baka nagtuturo na si mam.
tahimik pa rin si mama pagbaba ko. wala na si papa at si visti. pumasok na siguro sila pareho. naisip ko na tuloy tanungin si mama.
"ma, may bakit? may sinabi ba si mam? gumawa naman po ako ng mga asayment a." nakakunot noong tanong ko.
"alam ko anak, wag ka ng mag-alala." pagkatapos ay malungkot na ngumiti si mama.
nag-aalala ko kaya kinulit ko siya. mahuhuli na din kami sa klase kaya siguro sinabi na sakin ni mama ang problema. isang bagay na ikinagulat ko. hindi ko na pala sya dapat tinanong. hindi ko na pala sya dapat kinulit. nagbibiro lang siguro si mama dahil nakukulitan na sya sakin. pero muling inulit ni mama ang balitang paulit-ulit na sumasaksak sa mura ko pang puso.
"patay na si kei, anak. ngayong umaga lang."
paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang yon buhat kay mama. patay na ang crush ko. iniwan na ako ng best friend ko. wala na kong kasabay kumain. wala ng tutulong sa paggawa ng mga asayment ko. wala na kong kalaro. wala na kong makakasabay na umuwi tuwing hapon. wala na si kei.
ako si rei, pitong taong gulang. madalas sabihin ni mama na bagay raw kami kei dahil magkatunog ang aming mga pangalan. madalas akong ngumingiti kapag sinasabi nya yon. pero mali pala si mama. mali pala ako.
* this is a true story. may ilan lang binago for art's sake. hay. im praying for princess' soul, my cousin's puppy love. rest now, princess. He'll take care of you.