Wednesday, January 19, 2011

seventeen: the unlocking

“how dare you, jerk!” tumayo siya at pagkatapos niyon ay hinila rin niya ko patayo. hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. pilit niyang inabot ang mga labi ko at hinalikan iyon. dampi lamang iyon. marahil ay wala pang dalawang segundo ang itinagal ng halik na iyon. pero tila napaso ako ng nagbabagang kahoy.

ilang minuto lamang siguro akong nakatingin sa kanya. naghihintay na sabihin niyang hindi na talaga siya bata dahil nagawa niya iyon. pero hindi nagsalita si cassandra. tila siya man ay nagulat sa sarili. nang tila biglang siyang matauhan ay muli siyang nagsalita. “i am in love with migs, baste.”

with that, she gracefully walked away.

ipinaloob ko sa aking mga kamay ang locket na iniregalo sa akin ni baste habang patuloy ang paglandas ng di-mapigil na luha sa aking pisgi. hindi naman masamang umiyak sa aking kaarawan di ba? isa pa, hindi ko naman ginustong umiyak. kusa na lamang tumulo ang mga luhang iyon habang patuloy ako sa pagtakbo pabalik sa aming bahay.

umalis na ako sa tree house dahil hindi ko na kayang marinig ang mga sasabihin pa ni migs. masyado na kong naguguluhan. hindi na nga ako sigurado kung nasasaktan ako. hindi ako sigurado sa kung ano ang nararamdaman ko. ganoon kalakas ang epekto ng mga sinabi ni migs sa akin.

maingat kong binuksan ang pinto ng aking kuwarto upang hindi ko na mabulabog ang mga kasambahay naming kanina pa nahihimbing sa pagtulog. pagpasok ko sa aking kuwarto ay padarag akong lumundag sa aking kama. dahil doon ay natabig ko ang photo frame na kanina lang ay tinititigan ko. ang picture namin ni migs noong eighteenth birthday niya. dahil sa pagbagsak ng frame ay nakalas iyon at tumambad sa akin ang isa pang larawang nakapaloob sa frame, iyong larawan namin ni migs kung saan nakasingit si baste.

kinuha ko ang larawang hindi ko na matandaan kung kailan ko pa huling nakita. nasa likod lamang kasi iyon ng picture namin ni migs. hindi ko nga alam kung bakit itinatago ko pa rin iyon hanggang ngayon.

tama nga kaya si migs? napailing ako. nagkakamali lamang siya. alam kong sinabi lamang niya iyon dahil ayaw niya akong masaktan.

pinahid ko ang ilang butil ng luhang natutuyo na sa aking pisngi. bakit ako iiyak? kaarawan ko ngayon. marahil ay panaginip lamang ang lahat at mamaya ay magigising ako na ayos na ako uli. na hindi na uli magulo ang mga pangyayari maging ang isipan ko.

tama. marahil ay nanaginip lamang nga ako. matutulog na lamang ako para makalimutan ko na ang lahat ng bumabagabag sa akin. isinubsob ko ang aking ulo sa unan at marahang pumikit. kailangan ko nang matulog. marahil ay mawawala na ang lahat ng pangamba at pagkalito bukas paggising ko. hindi dapat ako mabahala. ang lahat ay panaginip lamang. ang lahat ay pangainip lamang.

gusto ko na talagang matulog ngunit tila tuksong ayaw akong iwanan ng mga pangyayari kaninang labis na gumugulo sa kaing isipan.

“im getting married, cass.”

"what? are you kidding? hindi naman nakakatawa kung nagbibiro ka nga.” malumanay ko pang sabi kahit na nararamdaman kong hindi ko magugustuhan ang mga susunod ko pang maririnig.

umiling si migs at nakita ko ang pag-aalala at pagaalinlangan sa kanyang mga mata. tila hindi na niya gustong magsalita at nais na lamang niyang yakapin ako ngunit nagpatuloy siya.

“Yyou know maxi, right? magpapakasal na kami, cass. and you understand, don’t you?”

nakita ko ang paghihirap sa kanyang mga mata kaya alam kong hindi siya nagbibiro. he never will in matters like this.

hindi ako nakapagsalita. unti-unti lamang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabantang bumaha sa aking mga mata. nanlulumong napakapit ako sa bintana at tila nauupos na kandilang napaupo sa silyang malapit doon.

“im sorry for having caused you too much pain, cass. inever wanted to hurt you. pero mahal ko si maxi. mahal niya rin ako. will you just be happy for me?” nagsusumamong hiling niya sa akin.

makasarili ako. hindi madali para sa akin ang maging masaya para sa iba kung labis na sakit lamang ang dulot niyon sa akin. gusto kong umiling ngunit hindi ko magawa. gusto kong manumbat ngunit hindi ako makapsalita. gusto ko siyang saktan ngunit tila papapanawan na ako ng ulirat. sa halip ay tumango na lamang ako.

nakita kong ikinasiya niya ang pagtango kong iyon. dahil alam kong kahit gaano niya pa kamahal si maxi, hindi pa rin niyon mababago ang katotohang isa ako sa mga babaeng mahalaga sa buhay niya.

“thank you, cass.”

akmang yayakap siya sa akin kaya umiwas ako.

"yeah. i'll go ahead."

iyon lamang at nagmamadaling binuksan ko ang pinto ng tree house.

nasa huling baitang na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses niya.

“he loves you, cass.” mahina nganit puno ng kombiksyon na sabi niya.

marahas akong napalingon sa kanya nang marinig ko iyon. “what the hell are you saying?”

bumaba siya at hinarap ako. “baste loves you.”

tumigil sa pagtibok ang aking puso.

"hindi ko maintindihan.”

“you love him too, don’t you?” aniyang hindi pinagtuunan ng pansin ang tanong ko.

“no. alam mong ikaw lang ang mahal ko, migs.” salat sa kombiksyong turan ko.

hinawakan niya ang aking kamay at sinabi ang mga salitang alam kong hindi ko magagawang limutin kailan man:

“you don’t love me. you just convinced yourself that you do because it’s more palatable to be in love with your best friend than to be in love with your worst enemy.”

maaaring tama si migs. agh! tama nga si migs. tumayo ako sa aking kama at dali-daling lumabas ng aming bahay.

.itutuloy.

seventeen: the night and the damsel in distress

tuluyan na sana akong hihiga nang mapansin ko ang isang litratong tila nahulog mula sa aking bedside table. may kalumaan na ang larawang tila kinunan ilang taon na ang lumipas. it was taken on migs’ 18th birthday. ngiting ngiti si cassandra sa litrato na may hawak pang ice cream sa kanan at lobo naman sa kaliwa, isip bata talaga, nakaakbay naman sa kanya si migs na guwapong guwapo sa kanyang tuxedo. sa likod ng dalawa ay isang binatilyong tila nais pang humabol sa kodakan—ako, the guy in the background.

hinding hindi ko malilimutan ang araw na yon.

ngitian, batian, purihang walang humpay.

hindi ako fan ng mga parties. masyado nang maingay sa garden na pinagdarausan ng ika-labingwalong kaarawan ni migs, wala na akong balak makigulo doon. naisip kong magtungo sa likod ng aming bahay. may maliit na garden din doon bagaman hindi katulad noong nasa harap ng bahay na madalas pagdausan ng mga salo-salo. off-limits ang bahaging iyon ng aming bahay kapag may parties, kaya siguradong walang mang-iistorbo sa akin doon.

hindi naman malayo iyon mula sa main garden. kaya ilang sandali lang ay nakita ko na ang maliit na garden set doon. sa tabi niyon ay isang swing na bahagyang kinakalawang na. siguro ay dahil bihira nang gamitin kaya hindi na rin gaanong napagbuhusan ng pansin ang pagmamantini noon.

malayo pa lang ako ay may naririnig na akong mga hikbi. habang papalapit ako ay lumalakas ang tunog na iyon. nanggagaling ang tunog sa swing. may batang nakaupo roon, nakayuko, kaya marahil ay wala siyang ideyang nasa malapit lang ako.

ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makita ko ang isang dalagitang kumakain ng ice cream habang umiiyak—si cassandra. napakunot ang aking noo. bakit siya naroon? hindi ba’t dapat ay nasa loob siya ng bahay at nakikipagsaya sa mga bisita roon? at bakit tila anumang oras ay babalong ang luha sa kanyang mga mata? ano ba ang problema? hindi ko malalaman kung hindi ako magtatanong.

umupo ako sa kanyang harapan para magtapat ang aming mga mata. “cassandra, why are you here?” hindi ko maaaring itanong sa kanya kung ano ang problema, pihadong hindi siya sasagot. hindi naman ako malapit sa kanya. hindi rin kami madalas na magkasama, at sa ilang pagkakataong nagkakasama kami, nag-aaway lang kami pagkatapos.

kumurap ang mga mata niya, tila hindi inaasahan na makita ako roon. may mapupungay na mata si cassandra. mukha siyang isang tauhan mula sa mga fairytale books, a damsel in distress. “wala. maingay kasi sa loob.” pagkatapos sabihin iyon ay nag-iwas siya ng tingin sa akin. hindi nga ako nagkakamali, may problema siya. at tama uli ako, wala siyang balak sabihin sa akin kung anuman iyon.

hindi ko ugaling ipagpilitan ang sarili ko. kung ayaw, eh di ayaw. babalik na lang siguro ako sa loob. matutulog na lang ako nang maaga, tutal ay may pasok pa ako sa eskwela kinabukasan. paalis na sana ako nang muli kong marinig ang mga hikbi niya. kasabay niyon ay ang pagtawag niya sa aking pangalan. “baste,” aniya sa nanginginig na tinig.

marahil ay nilalamig siya, disyembre na. dama na ang simoy ng hanging dulot ng paparating na pasko. hinubad ko ang aking coat na nakapatong sa aking kamiseta. isinampay ko iyon sa likod niya upang hindi siya gaanong malamigan. noon siya lalong umiyak. pero wala pa rin akong balak na tanungin siya kung ano ang problema. kaya muli na lamang akong umupo sa harapan niya at pinanood ang patuloy na paglalandas ng mga luha sa kanyang pisngi.

nang hindi ko na matiis ay pinahiran ko ng aking daliri ang mga mga luha niya. hindi ko ginusto pero bigla na lamang ay naramdaman kong nakakulong na siya sa aking mga bisig. “stop crying now, cassandra.” sabi ko habang hinahagod ang kaniyang likod.

nasaan ba si migs? siya dapat ang kasama ngayon ni cassandra. “hindi niya ko pinansin. i was planning to show him my gift. umoo siya pero pagbalik ko ay kasama na niya si ria. kahit gusto ko siyang kausapin ay hindi ko magawa. nakapulupot ang babaeng iyon sa kanya at tila wala nang balak pang bumitiw. and migs seems to be enjoying the whole thing. sa sobrang saya niya ay nakalimutan na niya ako.”

napailing ako. masyado naman yata siyang possessive kay migs? wala siyang karapatan sa kapatid ko, magkaibigan lang sila. isa pa, masyadong malaki ang pagitan ng edad nila para umakto pa siyang tila nobya ng kapatid ko. gusto ko lang siyang pagalitan. pero sa aking pagkadismaya, nakita ko na lamang ang aking sariling patuloy na nakikinig sa mga sama ng loob niya sa kapatid ko.

habang nagkukuwento siya ay lumulutang lang ang isip ko. hindi ako nagsasalita. hinayaan ko lang siyang magkuwento hanggang tila nahahapong ipinatong na lamang niya ang kanyang ulo sa balikat ko. naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya. o sa akin iyon? hindi ako sigurado sapagkat masyado kaming malapit sa isa’t isa.

“i’m in love with your brother, baste.” bigla ay sinabi niya. ano naman sa akin? alam ba niya ang sinasabi niya? ano ang alam ng isang inosenteng twelve-year-old sa pag-ibig? isa pa kung totoo mang umiibig na nga ito sa aking kapatid, ano naman ang pakialam ko? tama. wala dapat akong pakialam. pero ano iyong kakaibang sakit na bigla kong naramdaman sa aking dibdib?

“you have no idea about what you’re saying, cassandra.” bagaman sinubukan kong pigilan ay lumabas pa rin ang mga katagang iyon sa aking bibig.

“bakit, baste? dahil bata pa ko? kaya wala akong karapatang maramdaman to?” mahina pero punong puno ng diing sabi niya.

“oo. bata ka pa, cassandra. hindi mo alam ang mga sinasabi mo.” marahil kahit kailan ay hindi ko na malilimutan ang galit na nakita ko sa mga mata niya noong sinabi ko iyon.

“how dare you, jerk!” tumayo siya at pagkatapos niyon ay hinila rin niya ko patayo. hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. pilit niyang inabot ang mga labi ko at hinalikan iyon. dampi lamang iyon. marahil ay wala pang dalawang segundo ang itinagal ng halik na iyon. pero tila napaso ako ng nagbabagang kahoy.

ilang minuto lamang siguro akong nakatingin sa kanya. naghihintay na sabihin niyang hindi na talaga siya bata dahil nagawa niya iyon. pero hindi nagsalita si cassandra. tila ito man ay nagulat sa sarili. nang tila biglang siyang matauhan ay muli siyang nagsalita. "i am in love with migs, baste.”

with that, she gracefully walked away.

.itutuloy.