nakunot-noong nakatitig lang ako sa screen ng laptop ko. nakakainis. ang bagal na naman ng internet ko. lagi na lang ganito. kung di lang ako nagtitipid, titigilan ko ang paggamit ng prepaid at magpopostpaid plan na lang ako.
nandito ko sa ibabaw ng kama ko. gabi na kasi, tapos na kaming magdinner. madalas kapag ganitong oras, nakadapa lang ako sa kama ko habang nageFB. ewan ko kung imagination ko lang yun o talagang mas mabilis ng kaunti ang net dito kesa sa sala. a, ewan. para kasing kahit saan ko ipuwesto yung plug-it internet ko, mabagal pa rin.
dahil sa pagsalakay ng bonggang bonggang boredom, pinag-aralan ko na lang ang bawat sulok ng kuwarto ko. syempre unang naglanding ang mata ko sa unan ng ginawa kong patungan ng laptop ko. kulay red and black yung pillow case at mukhang luma na talaga. oh well, ilang taon na ba kasi kaming magkasa ni kulot, i named him that nung bata pa ko, thirteen, fourteen, fifteen years ago? hindi ko na matandaan e. basta matagal ko nang ginagamit si kulot. emomate ko yan, kasama sa lahat ng drama days ng buhay ko. sunod kong nakita yung side table ko na maraming kalat. wag na nating yung pag-usapan. maaalala ko lang na marami pa kong kailangang ligpitin. ibabalik ko na sana ang tingin ko sa screen ng laptop ko nang mahagip ng tingin ko yung picture namin ni migs, my bestfriend and one true love, the picture was taken a year ago.
okay. alam ko ang iniisip mo. ano ba ang bago sa magbestfriends na nagkakagustuhan? common na lang yun ngayon. yung iba nga, ginagawa na lang excuse ang friendship para mapalapit sa babae o sa lalaking gusto nila. in most cases, one-sided lang yung mga ganito. matagal na ililihim ng isa na may gusto sya sa isa para hindi masira yung friendship nila.
oh well, ibahin mo kami ni migs. i tell him everyday how much i love him. hindi ako naniniwala na masisira ang friendship namin kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. masyadong matatag ang mga pinagsamahan namin ni migs para masira yun ng ganun ganun na lang, masyado na kaming maraming pinagsamahan. at tama naman ako, hindi nakayang tibagin ng pagkakagusto ko sa kanya ang samahan namin. well, it was really awkward at first. hindi ko magawang kausapin siya. ganun din siya sakin. hanggang sa dumating yung panahon na narealize naming hindi sapat ang kagagahan kong yon para kalimutan at sirain namin lahat ng pinagsamahan namin. and so everything went back to normal. unlimited gala, study sessions, sleepovers sa bahay ng isa’t isa, lahat. lahat ng mga nakasanayan naming gawin. nasanay na lang kami pareho sa sitwasyon namin. nasanay sya na araw-araw kong ipinapangalandakan sa lahat ng tao na mahal ko siya ng higit pa sa kaibigan at ako? dumating na rin sa puntong nagawa kong tanggapin na hindi niya ko kayang mahalin ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya. that didn’t change the way i feel for him though.
matagal na kaming bestfriends ni migs. since i was seven he was thirteen. nag-umpisa ang pagkakaibigan namin nung lumipat sila sa bahay na katabi nung sa amin. lagi akong iniiwan ni kuya sa bahay kasi laging hindi magkasundo ang trip namin sa buhay. madalas na kailangan ko ng magtuturo sakin sa mga assignment ko kaya ayun, lagi akong kay migs nagpapaturo. at dahil isa syang ulirang kapitbahay, pinagtyatyagaan nya kong turuan kahit ang kuya ko mismo ay hindi kayang tagalan ang kabobohan ko sa math. ganun kabait si migs. araw araw nya kong tinuturuan sa mga schoolworks ko. hanggang ang mga study sessions ay umabot sa malling, sleepovers at kahit barhopping paminsan minsan. pinagbabawalan ako ni mommy na magpunta sa bar lalo na kung mga lalake lang ang kasama ko, pero kapag sa migs ang kasama ko, okay lang sa kanya. mas close pa nga yata sila ni migs kesa samin ni mommy. pero okay lang. love ko rin naman si migs.
siguro yung halos araw-araw na pagsasama namin ang naging rason kung bakit na-inlove ako sa kanya. so migs? he’s about 5’8” tall, handsome, and has a fair complexion. he has deepset eyes, one of his physical features that i love the most. basta, he’s the guy of every girl’s dreams.
tumunog ang cellphone ko, may nagtext. hapi bday!, the message said. teka birthday ko na? i asked myself.
napatingin ako sa digital clock na malapit sa pinto ng kwarto ko. 11:43 na? seventeen minutes na lang pala at seventeen years old na ko. napalundag ako bigla mula sa kama ko. may usapan nga pala kami ni migs na magkikita kami sa treehouse nila ng 11:45 para hintayin ang birthday ko.
lumapit ako sa dresser ko na punong puno ng kalat. magsusuklay lang ako sandali at pupunta na ko kina migs. punctual yun, kaya hindi dapat ako ma-late.
suot ko pa rin ang pantulog ko na may malaking print ng picture ni spongebob sa harap at ni patrick naman sa likod. hindi na ko nagpalit, gabi na naman e. i guess no one will notice.
nagmamadali akong bumaba sa hagdan namin at tinalunton ang daan palabas ng gate at papunta kina migs. tuloy tuloy na ako sa pagpasok sa gate nila migs, bukas naman yon. maybe because yaya lina is really expecting me. pumasok ako sa bahay para itanong kay yaya lina kung nakauwi na si migs, ang alam ko kasi ay may pinuntahan siyang family affair somewhere in laguna kasama sila tita. overnight event yun, but he promised to come home earlier so he can be with me on my birthday.
“hello, yaya lina. nandiyan na po ba si migs?” nakangiting tanong ko sa isang kasambahay nina migs. matagal na siyang nagtatrabaho dito kaya kilala na niya ko, sanay na rin siyang nangangapitbahay ako kahit halos hatinggabi na.
“wala pa, anak. pero iniwan niya itong susi ng treehouse niyo. nawala mo raw kasi ang duplicate key mo kaya ito na lang ang gamitin mo. hintayin mo na lang daw siya ron.” iniwan niya ang mga platong hinuhugasan at lumapit sakin para iabot ang susi sa treehouse.
“okay, yaya. salamat po!” masigla kong kinuha ang susi mula sa matanda at nagmamadaling pumunta sa treehouse. bata pa lang kami ay tambayan na namin iyon ni migs, nilagyan na nga yon ng maayos na pinto at doorknob ngayon para raw pwede kaming magstay dun overnight kapag gusto namin. dun namin madalas sinasalubong ni migs ang mga birthday namin.
dahan dahan kong pinihit ang doorknob, a part of me is hoping na may hinandang surprise sakin si migs. maraming lobo, cake, and his gift. excited na binuksan ko ang ilaw sa treehouse. pero walang bumungad sakin kundi ang masikip na treehouse na may manaka-nakang kalat. nakalimutan ba ni migs ang birthday ko? imposible. kahit na nagtatrabaho na si migs, never niyang nakalimutan ang birthday ko. a, siguro may hinahanda lang syang mas malaking surprise para sakin.
pumasok ako sa treehouse at binuksan ang maliit na bintana sa gilid niyon. kinuha ko ang maliit na upuan at ipinuwesto iyon malapit sa bintana. napakagandang gabi, maraming bituin at nagliliwanag ang buwan. this is all perfect. sana dumating na si migs.
napatingin ako sa wristwatch ko, two minutes before 12midnight. nabasa ko somewhere na most of the time, the guy you are with when you are seventeen is the same guy you’ll spend the rest of your life with. so pano naman ako? wala pa kong boyfriend. ibig sabihin ba nun, tatandang dalaga ko? parang di naman yata masaya yun. but wait, i have migs! at kasama ko pa siya sa pagsalubong ko sa birthday ko. so ibig sabihin, he’ll also be the same guy i’ll spend the rest of my life with? great.
muli akong tumingin sa wristwatch ko. a few seconds before 12. nasaan na si migs? he should be here by now. nakakainis naman. this is the first time na wala siya dito sa treehouse para salubungin ang birthday ko.
eksaktong alas-dose nang marinig kong tila may nagbubukas ng pinto ng treehouse. si migs! sabi na nga ba, he wont let this moment pass.
bumukas ang pinto at bumungad ang pigura ng isang lalaking mestizo, hindi katangkaran, at tila laging may nakapaskil na malademonyong ngisi sa labi. in short, hindi si migs.
.itutuloy.
P.S. sorry, i really cant make this story without having to divide this to two to three (or more) installments. i just thought of a way to make this story possible without jeopardizing my style. so sorry kung putol. :P pakihintay na lang yung kasunod. thank you! :)