Monday, November 1, 2010

inlove ako sa pare ko.

nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit na nakakalat sa aking higaan. malapit nang mag-alas nuebe. mahuhuli na naman ako sa klase ko. nagmamadaling lumabas ako ng aking silid at ipininid iyon. isang bagong araw na naman sa paaralan. isang bagong araw na naman para makasama ko si rei.

kaibigan ko si rei. matalik na kaibigan. sabay kaming lumaki. sabay natutong lumakad, magsalita, magsuot ng medyas, mag-aral. basta, sabay sa lahat. madalas nga kaming binibiro ng mga magulang namin na baka kami raw ang magkatuluyan sa huli. madalas ay ngisi lang ang tinutugon ni rei rito. hindi niya pinapatulan ang mga birong ganon, aniya, wala lamang magawa ang mga taong nagsasabi non. ako, ayun, nagdaramdam sa isang tabi. buti pa yung mga tao, nakakahalata na yata na may lihim akong pagtinginkay rei. pero si rei? patay malisya lang. hindi ko alam kung hindi niya talaga napapansin o tanga lang talaga siya.

nagpatuloy ako sa paglalakad at ini-lock ang gate. binuksan ko ang dala kong payong at tumungo na sa bahay nila rei. dahil magkapareho kami ng kursong kinuha at pinalad na maging magkaklase pa, pareho ang schedule ng mga klase namin kaya naman araw-araw kaming sabay na pumapasok sa aming unibersidad.

nagulat ako nang makita kong may tao sa bahay nina rei. madalas naman ay walang tao roon kapag ganitong araw dahil may pasok sa opisina sina tito at tita. si visti naman na kapatid ni rei ay nasa paaralan. tinulak ko ang pulang gate nang dahan dahan, nag-iingat na marinig ni puti, ang bagong aso nina rei. kung bakit mainit ang dugo sakin ng asong yon, wala akong ideya. mabuti naman at nakita ko na nakatali naman pala si puti sa puno ng mangga, malayo mula sa pintuan ng mismong bahay nina rei.

nang malapit na ko sa pintuan ay nakita ko kung sino ang kasama ng kaibigan ko, si millie--ang editor-in-chief ng official school publication namin.alanganin kong nginitian ang babae at tiningnan si rei.

"hindi pa ba tayo aalis?" nakakunot-noong tanong ko. "male-late na naman tayo."

nginitian ako ni rei at sinabing, "mauna ka na. baka hindi ako pumasok sa first class natin. hahabol na lang ako sa next class. may pinag-uusapan lang kami ni millie. at oo nga pala, si millie, girlfriend ko."

sinulyapan ko si millie, tila tuwang tuwang marinig na ipakilala siya bilang girlfriend ni rei. wala nang bago ron, madalas naman talaga kung magpapalit-palit ng girlfriend si rei. pero masakit pa rin. madalas na naitatanong ko, bakit hindi na lang ako? ako na hindi siya iniwan sa kabila ng lahat? ako na natatakbuhan niya tuwing may kailangan siya? masakit pa rin. mahirap pa rin kasing tanggapin.

"ganun ba? sige. mauna na ko." tinapik ko ang balikat ni rei at marahang tinanguan si millie. mabilis kong tinalunton ang daan patungo sa gate. hindi na ko nasanay. lagi na lang ganito. akala ko dati, darating ang panahon na masasanay rin ako sa sakit. na matatanggap ko rin na walang mangyayari sa pagmamahal ko kay rei. pero hindi pala.

teka, nakalimutan ko ba? ako nga pala si MARCO, the campus crush. pero si rei ang gusto ko, in love ako sa pare ko.