Sunday, November 7, 2010

ang manunulat

seryosong nakatitig ako sa laptop ko. nag-iisip ng maisusulat. pero madalang ang patak ng ideya. ito ang mahirap sa pagsusulat, minsan tumitigil ang isip mo sa pag-iisip at wala ka nang magagawa kundi tumitig sa screen ng laptop mo at muling hintayin ang pagsilip ng mga ideya. napalingon ako sa pinto ng aking kuwarto ng marinig kong nag-click ang doorknob. si ate mae ang nakita ko, dala ang isang tray na may lamang cookies at juice.

"hindi ka na naman daw kumain ng tanghalian sabi ni yaya?" tanong niya sakin. eto na naman po kami. nararamdaman ko na naman na ang simpleng hindi ko pagkain ng tanghalian ay magiging malaking issue. magbabangayan pero magbabati rin naman after two minutes. favorite pastime namin to ng kapatid ko, magbangayan ng walang lubay. pero wala ako sa mood ngayon kaya hindi ko na lang siya pinansin.

kinuha ko lang ang tray sa kanya at inilapag yon sa study table ko. di ko pa trip kumain. pag ganitong walang pumapasok sa isip ko, mas lalo akong nawawalan ng gana. napansin yata ni ate mae na wala ako sa mood na kumausap ng kahit na sino kaya tinaasan na lang niya ko ng kilay at sinabing, "oh, a'right. the writer is writing." emphasizing the word writer. ewan ko ba. ano ba ang big deal sa pagiging isang writer? okay, writer ako. so what? feeling kasi yata nila, pareho ang ibig sabihin ng writer at retarded. takot silang lumapit sakin kapag kaharap ko na ang laptop ko. isa yun sa mga unwritten rules sa bahay namin. kapag nagsusulat ako, bawal ang istorbo.

bumalik ako sa kama ko para muling harapin ang sinusulat ko. or shall i say isusulat? wala pa kong nata-type na kahit ano e. ako nga pala si millie, the editor-in-chief of the school paper. pasensya na, ngayon lang ako nakapagpakilala. ganito talaga ko. laging disorganized ang thoughts. kaya kung pano ko naging writer, hindi ko alam.

ugh. two hours na kong nakatitig sa screen ng laptop ko. pero wala pa rin akong naisusulat. bukas na ang deadline nito. kailangang maihabol to sa school paper. next week na ang schedule ng printing. napatitig ako sa kisame na may picture ni spongebob. nakatitig din sya sakin, parang sinasabing, matagal pa ba yan? manghuli na nga lang tayo ng jellyfish! o wag kang matakot sakin, ganito lang talaga ang mga writers may pagka--

oopsie! may bombilyang biglang lumiwanag sa isip ko. may idea na paparating! mabilis na nagtype ako. mabilis. hindi pwedeng mabagal. titigil ang daloy ng ideya. malapit ko ng matapos ang sinusulat ko ng muli kong marining ang pag-click ng doorknob. sinong lapastangan naman ang nagtangkang pumasok sa kuwarto ko? bubulyawan ko na sana ang lapastangang yon kung hindi lang ako natakot na maputol ang daloy ng ideya sa isipan ko.

type. type. type. hindi ko na sana mapapansin na halos limang minuto nang nakaupo sa tabi ko ang lapastangan kung hindi niya hinalikan ang aking buhok. napakunot bigla ang noo ko. lumingon ako sa kanya.

"rei." nakangiting bati ko sa kanya. oh, he's rei. the president of the student council. boyfriend ko. oo, boyfriend ko, no big deal. lahat ng babae sa school nababaliw sa kanya. but not me. kaya ko lang naman syinota to e--

"i miss you, babe." masuyong sabi niya sakin. yes he's this sweet. very serious-looking ang mokong na to. pero alam ng lahat kung gano siya katinik pagdating sa mga babae. oh, well. everyone calls him the campus king. lumaki tuloy ang ulo ng gago.

he held my hand and removed my eyeglasses. sweet? di rin. alam kong nagpapanggap lang ang isang to. naging malaking issue sa campus ang relasyon namin. ang rebeldeng manunulat at council president? para nga namang hindi bagay. may mga kumalat pa ngang mga tsismis noon na kaya lang ako niligawan ni rei ay para maligtas sa mga paratang sa kanya ng mga kalaban. kapag nga naman girlfriend mo ang editor-in-chief ng school paper, ligtas ang image mo. well, may punto. pero hindi ako naniniwalang yon ang dahilan niya. matino siyang leader, wala ng kuwestyon yun.  he just want someone to play with. and he found a willing playmate in me. who wouldn't want that?

"i miss you more, babe. have you had lunch?"

"it's past five in the afternoon. of course i had. have you had yours?"

i smiled.

"alright, dont answer. got it. ikaw talaga. kapag nakaharap ka sa laptop mo, nakakalimutan mong tao ka ring kailangan ng tulog, pagkain, pahinga. are you trying to kill yourself, millie?" concern ba yung nakita ko sa mata niya? maybe. siguro naman kahit papano, concerned din sya sakin.

"no, babe. eto na. kakain na ko." nakangiting sabi ko habang kumukuha ng cookie sa tray.

"i love you, babe." biglang sabi ni rei. i was speechless. what am i supposed to say? i love you too? hindi ako nakasagot.

bakit hindi ako makasagot? dahil in love ako kay marco, the campus crush. bestfriend ni rei. yun ang dahilan kaya ko sinagot si rei. gusto kong mapalapit kay marco. mahal ko sya. pero nasaktan ako nung malaman ko na bading sya. pero mas may sasakit pa ba na mismong sakin nya inamin na inlove sya kay rei? wala na. wala na.

P.S. tatlong araw akong puyat sa pagsusulat para sa column ko sa school paper. kaya pasensya kung naguluhan ka sa kwento ko. :D