eksaktong alas-dose nang marinig kong tila may nagbubukas ng pinto ng treehouse. si migs! sabi na nga ba, he wont let this moment pass.
bumukas ang pinto at bumungad ang pigura ng isang lalaking mestizo, hindi katangkaran, at tila laging may nakapaskil na malademonyong ngisi sa labi. in short, hindi si migs.
“hello, witch. birthday mo raw? happy birthday.” preskong sabi ng lalaking kakapasok lang sa treehouse.
natulala ako. bakit nandito siya? si migs ang hinihintay ko. hindi ang mayabang na to. and besides, kelan pa siya bumalik ng bulacan? akala ko he’ll be staying in barcelona for good. pero isang buwan pa lang natatahimik ang buhay ko ay bumalik na agad siya. ano ba talaga ang gusto niya sa buhay?
“wala ka man lang sasabihin? hindi ka man lang ba magpapasalamat? i should be resting by now, you know.”
nanatili akong nakatingin lang sa guwapo niyang mukha. oo, sa kabila ng malademonyong ngiting hindi nawawala sa kanyang mga labi, guwapo pa rin siya.
“don’t tell me you have already forgotten me? oh well. hindi na ko magatataka. kahit nga palang simpleng math formula, madali mong nakakalimutan. ang pesteng kapitbahay pa na katulad ko?” mapait ang ngiting sumungaw sa kanyang mga labi. mapait? hah. guni-guni ko lang siguro.
“sebastian? baste?” kunot-noong tanong ko. of course i remember him.
lumapit siya at kinuha ang isa pang upuan sa sulok. upuan ni migs. dalawa lang ang upuan sa treehouse na may nakaukit na pangalan naming dalawa ni migs. maliliit na ang mga upuan. bata pa lang kasi kami nung inorder ito nila tita merced, mommy ni migs, sa isang malaking furniture house sa bayan.
itinabi niya ang nakuhang upuan sa bintana, mga ilang pulgada lamang ang layo mula sa akin, at muling nagsalita, “yes, cassandra. ang peste mong kapitbahay.”
there. he said it. siya si sebastian, younger brother ni migs, ang peste kong kapitbahay. tatlong taon ang pagitan nila ni migs, tatlo din naman ang sa amin. he’s three years my senior. kung tutuusin, mas kasundo ko siya dapat kumpara kay migs. mas maliit kasi ang age gap namin. pero ewan. bata pa lang kami, wala na kaming ginawa kundi mag-away. lagi kaming hindi magkasundo.
nakalakihan na namin yun. siguro isa rin sa mga rason kaya hindi kami kailanman nagkasundo ay dahil magkaibang magkaiba ang ugali namin. alam ko kung ano ang gusto ko. gusto kong maging successful businesswoman someday. pangarap kong magkaroon ng napakalaking business empire. gusto kong magkaroon ng asawa at dalawang anak. kumbaga, planado na ang lahat para sa kinabukasan ko. pero si baste? hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang gusto sa buhay niya. habang ang kuya niya ay pinamamahalaan na ang ilang negosyo ng kanilang pamilya, wala namang ginawa si baste kundi magpalipat lipat ng kurso. sinubukan niya na ring magtrabaho pero hindi rin naman siya nagtagal. nitong nakaraan naman ay pabalik-balik si baste sa abroad. sa pagkakaalam ko, painting ang bagong kinahuhumalingan niya. dahilan para maglibot siya sa europe, katwiran niya, marami siyang matutunan mula sa mga artworks na makikita niya roon. pinayagan naman siya nina tita merced, sa tingin ko ay matagal na nilang natanggap na sobrang impulsive ng bunso nilang anak. isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito, hindi talaga alam ni baste ang gusto niya sa buhay.
“akala ko magtatagal ka sa barcelona. bakit nandito ka na agad?”
“ouch.” puno ng emosyong sabi niya sabay hawak sa kanyang dibdib. “kababalik ko pa lang, gusto mo na yata akong paalisin.”
mula sa mga bituin ay ibinaling ko ang tingin ko kay baste. hindi siya bagay na painter. mas bagay siyang print o commercial model. pwede ring artista. masyado siyang guwapo para magtago lamang sa likod ng kanyang mga obra. teka, ano bang sinasabi ko? ano bang pakialam ko kay baste?
may sumungaw na ngiti mula sa mga labi ni baste. hindi mapang-asar. para ngang… nangungulila? nangungulila sa akin si baste? kalokohan.
nagulat ako ng mula sa kanyang bulsa ay inilabas niya ang isang kahita. dahan dahang binuksan niya iyon at mula roon ay nakita ko ang isang kuwintas. isang vintage necklace. katulad nung kay rose sa titanic. maybe he bought it from europe.
“a vintage necklace. sino na naman ba ang pinopormahan mo ngayon? aba, suwerte siya a. dati naman ay ni hindi mo maibili ng candy yung mga naging girlfriend mo. ngayon ay pa-necklace necklace ka pa.” kantiyaw ko sa kanya.
inaasahan ko na gaganti siya ng kantiyaw. pero nagkamali ako. tumingin lang siya sa mga mata ko at ngumiti ng matamis.
“this is for you, cassandra. happy birthday.”
pagkasabi niyon ay hinawi niya ang aking buhok at masuyong ikinabit ang kuwintas sa aking leeg. biglang bumilis ang tibok ng aking puso. tila may nagliparang paru-paro sa aking sikmura. kakaiba ang aking pakiramdam. mas kakaiba pa sa nararamdam ko tuwing malapit si migs.
si migs? oo nga pala. nasaan na yun? bakit wala pa siya? at bakit ngayon ko lang siya naalala? a, nararamdaman ko lang siguro to dahil namimiss ko si migs. wala ng ibang dahilan. masyado lang malikot ang imahinasyon ko.
lumingon ako kay baste at nakita ko siyang nakangiti sa akin. ayun na naman. bumabalik na ang napakabilis na tibok ng aking puso. bumalik na rin ang mga paru-parong lumilipad sa aking sikmura. ano ang gagawin ko?
pinili ko na lamang ngumiti. kasabay niyon ay tila may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata ni baste. kislap na tila… umaasa?
shit. kailangan kong mag-isip ng sasabihin kundi ay masisiraan ako ng bait. sigaw ng nalilito kong isipan.
“salamat dito.” nakita kong lumapad ang ngiti niya. “bakit nga pala wala pa si migs?”
laglag ang balikat ni baste.
.itutuloy.
No comments:
Post a Comment