pinili ko na lamang ngumiti. kasabay niyon ay tila may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata ni baste. kislap na tila… umaasa?
shit. kailangan kong mag-isip ng sasabihin kundi ay masisiraan ako ng bait. sigaw ng nalilito kong isipan.
“salamat dito.” nakita kong lumapad ang ngiti niya. “bakit nga pala wala pa si migs?”
laglag ang balikat ni baste.
ano pa nga bang aasahan ko? i have always been the guy in the background, nothing more. minsan hindi ko maintindihan kung paano ko natatagalan lahat ng to. pero siguro, ganun talaga yun. i can never really have everything, can i?
ano ba ang isasagot ko kay cassandra? migs told me to not let her know.
iniiwas ko ang aking mga mata kay cassandra. mas mabuti na yun kaysa magsinungaling ako sa kanya, hindi ba?
“baste?” nakakunot-noong tanong niya sa akin. “nasaan si migs? he promised me that he’ll come. he should’ve been here thirty minutes ago.”
umalis si migs. he had a date with his girlfriend. he asked me not tell cassandra. birthday daw kasi nito, ergo, no one has the right to spoil her day. babalik din naman daw agad siya. pero kinukulit na ako ng bestfriend niya, magsisinungaling pa ba ko?
“hey.” nakasimangot na niyugyog niya ang balikat ko.
oh I shall let her know, shan’t i?
“migs went—”
bumukas ang pinto. at mula roon ay pumasok si migs, ever gorgeous even with just a denim pants and a lacoste shirt on. may hawak siyang bulaklak sa kanyang kaliwang kamay at malaking kahon naman sa kanan na tila isang regalo.
nakita kong nagningning ang mga mata ng huli. tumayo ako upang lumapit sa bintana. hindi ko kayang makita ang pagningning ng mga mata ni cassandra sa simpleng pagdating lamang ni migs. matinding sipa ang naramdam ko sa aking dibdib. nasasaktan ba ako? kung oo, isa itong malaking kalokohan.
“im sorry, sweet. i know im late. nagkaroon lang ng kaunting problema.”
mula sa gilid ng aking mga mata, nakita kong lumapit si cassandra kay migs, humalik sa pisngi nito at yumakap dito.
“nakakainis ka. sabi mo aagahan mo ang uwi mo para mahintay natin ang birthday ko diba? ang daya mo!” nakita kong nakalabing sabi ni cassandra. pero alam naman naming hindi siya galit. ganun lang talaga siya kapag gusto niyang magpapansin kay migs.
sure. three is a crowd. dahil dumating na ang kapatid ko, hindi na ko kailangan dito. i better leave.
“mauna na ko cassandra, migs. matutulog na ko. may jetlag pa ko e.”
tinapik ako sa balikat ng kapatid ko at bumulong ng, “thanks, bro. maaasahan ka talaga.”
ngumiti lang ako at bumaling kay cassandra. “goodnight, witch. happy birthday again.” yun lang at nagpaalam na ako sa kanila.
“thanks for the necklace, baste!” narinig kong sabi ni cassandra habang pababa ako ng tree house.
naglakad ako patungo sa aming bahay at marahang binuksan ang pinto, nag-iingat na hindi magambala ang mga kasambahay naming natutulog na sa loob.
umakyat ako sa itaas at tumungo sa aking kuwarto. gusto ko ng ipahinga ang pagod kong katawan at isipan. i badly need rest.
tumungo ako sa walk-in closet at nagpalit ng komportableng pantulog. kumuha ako ng shorts at at sando. nang komportable na ako sa aking suot ay lumapit ako sa aircon at binuksan iyon. pinatay ko ang ilaw at binuksan ang lampshade na nakapatong sa aking bedside table.
tuluyan na sana akong hihiga ng mapansin ko ang isang litratong tila nahulog mula sa aking bedside table. may kalumaan na ang larawang tila kinunan ilang taon na ang lumipas. it was taken on migs’ 18th birthday. ngiting ngiti si cassandra sa litrato na may hawak pang ice cream sa kanan at lobo naman sa kaliwa, isip bata talaga, nakaakbay naman sa kanya si migs. sa likod ng dalawa ay isang binatilyong tila nais pang humabol sa kodakan—ako, the guy in the background.
hinding hindi ko malilimutan ang araw na yon.
.itutuloy.
P.S. no matter how much i tried to finish this in its third installment, i still failed. salamat sa mga matiyagang naghintay at patuloy na sumusubaybay. hahahaha. love you, guys. mua! :*
No comments:
Post a Comment