Saturday, November 6, 2010

visti, the campus queen.

mabilis ang ginawa kong paghakbang. kailangan kong tumakas dahil kung hindi ay mahuhuli na naman ako ng mga tulisan. mabilis na mabilis. mabilis na mabilis. lumingon ako sa likod para malaman kung nakasunod ang mga kalaban. clear. pero binilisan ko pa rin ang lakad. nakahinga ako ng maluwag nang makita kong malapit na ang kampo. ligtas na ko.

limang minuto na kong panatag na nakaupo sa aking silya nang makita kong palapit ang mga kalaban. wala na kong magagawa. hindi na maaaring tumakas dahil hindi na rin ako uubra sa bilis ng kalaban. kaya umupo na lang ako at hinintay ang aking katapusan.

“visti!” dumadagundong ang boses ng halimaw. galit na lumapit siya sakin at hinaltak ang kamay ko.

“haring rei! ano ang maipaglilingkod sayo?” kunwari’y kalmadong sabi ko sa halimaw. he’s rei, the president of the student council and the man of every girl’s dream, kasama na ko ron. pero deadma lang kaming lahat kay Rei.

“visti! ilang beses ba naming kailangang sabihin sayo na paaralan ito at hindi mall? bawal ang mini skirt dito!” umuusok ang ilong na sermon niya sakin. pinagtitingan na tuloy kami ng mga estudyanteng nagdaaan sa hallway. wala talagang hiya ang isang to. pasalamat siya, mahal ko siya. oo, kasing-baliw ako ng ibang mga babae sa school.

“e ilang beses ko rin bang sasabihin na hindi to mini skirt? ayan,o. knee-level!” bulyaw ko sa kalaban. hindi niya dapat mahalatang nanginginig ang tuhod ko habang sinasabi ko yon. minakabahan kasi ko, hindi dahil sinugod na naman ako ng SC President. sanay na ko ron. halos araw-araw ay ganito kami kung magbangayan ni rei.kinakabahan ako dahil malapit na naman siya sakin. bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nasa malapit siya. pero walang nakakaalam na may gusto ko sa kanya. dahil kapag nalaman ng iba…

“sumama ka sakin sa dean’s office, visti. sumusobra ka na. araw-araw mo na lang pinapasakit ang ulo ng mga guards dito. pati ako, dinadamay mo. alam mo bang may tinatapos akong project ngayon? pero kailangan kong ihinto muna yon dahil pinakiuasapan ako ng mga guards na puntahan ka rito.” inis na sabi ni rei habang hinihila ko palabas ng classroom. muntik pang maputol ang strap ng heels ko dahil sa paghila niya.

“excuse me. wala na kong magagawa kung talagang trip nyong bantayan ang bawat kilos ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos! besides, hindi ko maintindihan kung bakit ang pananamit ng mga estudyante rito ang pinagtutuunan nyo ng pansin. tell me, kelan pa naging sukatan ng pagkatao ang pananamit ng mga tao? yung mga naniniwala ron, yun yung mga taong mababaw mag-isip.” sabi ko sa kanya habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na tumatabing na sa mata ko.

ewan ko ba kay rei. araw-araw na lang kaming ganito. mag-aaway kahit sa mga bagay na kung tutuusin ay wala naming kwenta. akala ko dati, magsasawa rin siya sa pagpuna sa mga kamalian ko. pero nagkamali ako. kaya nagising na lang ako isang araw na nakasanayan na ang ganitong sitwasyon namin ni rei. mas mabuti na rin siguro to, para hindi na nila mahalata na sa kabila ng lahat ng hindi namin pagkakaintindihan ni rei, siya lang ang minahal ko. hindi niya nilisan ang puso ko sa kabila ng katotohonang walang naghihintay na happily-ever-after saming dalawa.

malapit na pala kami sa dean’s office. noon ko lang din napansin na binitawan na ko ni rei. marahil ay napansin niyang wala ako sa aking sarili.

binuksan ni rei ang pinto ng dean’s office. nabungaran namin doon ang secretary ni dean. hindi na nagtanong si miss liz kung ano ang sadya namin doon. basta na lang niyang nginuso ang direksyon ng lamesa ni dean na wari’y alam na rin ang aming pakay.

“mga anak, may problema ba?” tanong samin ni dean. Ganyan siya kabait sa aming mga estudyante. kaya nga marami ang nalungkot ng mabalita na maaalis na siya sa pagkadekano. sa totoo lang, nahihiya na ko kay dean. halos linggo-linggo  na kong laman ng opisina niya. daig ko pa ang high school student na kinakaladkad sa guidance office dahil palaging nahuhulihan ng porn DVD’s tuwing may bag inspection. minsan tuloy naiisip kong kaya lang ako gumagawa ng kalokohan ay para makuha ang atensyion ni rei.

“si visti po kasi, napakaikli ng skirt. pinapasakit pa po ang ulo ng mga guards kakahabol sa kanya.” parang aping sumbong ni rei kay dean.

tiningnan ako ni dean na parang sinasabing, nung isang araw, nahuli ka ng professor mo na nanonood ng koreanovela sa laptop mo habang nagkaklase siya, nung isang lingo naman, nahulihan ka ng kodigo habang nagtetake ng midterm exams, tapos ngayon?, pero ito lang ang sinabi niya. “rei, ikaw na ang bahala kay visti. pagsabihan mo at ipakausap mo sa mommy niyo.”

oo, tama. magkapatid kami ni rei. dalawang taon ang tanda niya sakin. he’s seventeen, i’m fifteen. i never called him ‘kuya’ though. bata pa lang kasi kami, alam kong mahal ko siya hindi lang bilang kuya ko. akala ko, sa mga pelikula lang nangyayari na nai-in love ang isang tao sa kapatid niya. kung bakit sa dinami-rami ng tao ay si rei pa ang minahal ko, hindi ko alam. naisip ko tuloy, napaka-unfair ng pag-ibig. napaka-unfair ng buhay.

campus queen, they call me. but tell me, why can’t the campus queen have the campus king?

No comments:

Post a Comment