Monday, November 8, 2010

photo album (ano ba ang happy ending?)

napapangiting binuklat ko ang photo album na natagpuan kong pakalat-kalat sa aking kuwarto. salamat dito, nagagawang manatili ng mga alaalang lumipas.

sa unang pahina ay nakita ko ang larawan ng isang sanggol. ako yun, maraming taon na ang lumipas. sino ang makapagsasabing sa paglipas ng panahon ay mararating ko ang anumang narrating ko ngayon? wala. marahil ay totoo ngang walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa buhay ng isang tao kundi Siya lang.

sa patuloy na pagbuklat ko ng mga pahina ng photo album ay nakita ko ang larawan ng dalawang batang may hawak na lollipop. si kei yung isa at ako yung isa pa. si kei. maraming taon na ang lumipas mula ng mawala siya. hindi ko noon naisip na maaaring dumating ang panahon na matututunan kong limutin siya. akala ko, nung namatay siya, kasamang namatay ang puso ko. pitong taon pa lamang ako noon. wala pang alam tungkol sa pag-ibig. ang alam ko lang noon, crush ko si kei. hindi lamang yon, isa rin siyang napakatalik na kaibigan. ilang gabi kong iniyakan ang pagkawala niya, pero ganun yata talaga, may mga bagay na hindi maaaring maging sayo habambuhay. hindi na ganun kasakit ngayon ang naging pagkawala niya. pero habambuhay kong itatago sa isang bahagi ng aking puso ang mga alaala naming dalawa.

ang sumunod kong nakita ay ang larawan ng dalawang batang lalaking nakasuot ng toga. a, yun ang elementary graduation namin. ako yung isa, at si Marco naman ang isa pa. ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ng lokong yun. naaalala ko pa na bago kami grumaduate ng college ay ipinagtapat niya na mahal niya ko. imagine, ang crush ng bayan na si marco ay bakla at may gusto sakin? at bestfriend ko pa. i felt betrayed. pakiramdam ko kasi, he took advantage of me in the course of our friendship. pero mas pinili ko na lang kalimutan ang lahat. dahil sa huli, hindi ko pa rin naman maikakailang naging mabuting kaibigan siya sa akin. may pamilya na siya ngayon at may dalawang malulusog na anak. sina mico at mica. oo, yun talaga ang pangalan ng mga anak niya. parang napag-trip-an lang ng adik no? those little angels were named after their parents.

sa patuloy na pagbuklat ko ng album, nakita ko ang larawan ng isang babaeng may hawak na labingwalong pulang rosas. si visti, ang kapatid ko. alam mo bang may asawa na sya ngayon? oo, ang kapatid ko na umamin na mahal niya ako ng higit pa sa isang kapatid. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. ano ang dapat kong sabihin sa kanya? sa huli, umalis na lang ako para sa ikabubuti naming lahat. pero hindi naman pala ko nagkamali sa pag-iisip na dulot lang ng kabataan at immaturity ni visti ang paniniwala niya na mahal niya ko. masaya na sya ngayon sa pamilya niya. at mas masaya ako para sa kanya.

isasara ko na sana ang album nang makita ko ang isang larawang nalaglag mula rito. larawan ng isang napakagandang babaeng seryosong tumitipa sa kanyang laptop. si millie. isa sa di-mabilang na exes ko. but I must admit, sa kanya ko sobrang nagseryoso. ours was a perfect relationship kaya maraming nagtaka nang pumutok ang balitang naghiwalay na kami. inamin niya kasi sa akin na inlove siya sa matalik kong kaibigan na si marco. hindi madaling tanggapin yon. lalo na nung sinabi niya sakin na kaya niya lang daw ako sinagot au dahil gusto niyang mapalapit kay marco. marami ngang nagtanong, why go for the campus crush when you already have the campus king? isa lang ang sagot ni millie rito—my heart belongs to marco. nobody could change that, not even rei. sobra kong nasaktan. pero sa paglipas ng panahon, nagawa kong magpatawad. ano pa nga ba ang magagawa ko? nagmahal lang siya. kung nasaktan man niya ko, hindi naman niya ginusto yon. nagkataon lang na hindi talaga maiiwasang masaktan ako sa pagnanais niyang mapalapit kay marco. at nakalimutan ko palang sabihin, nagkatuluyan sina millie at marco. millie is the mother of the precious angels, mico and mica.

narinig ko ang pagbagsak ng kung anong bagay mula sa pader kaya napatingin ako sa dingding kung saan nakasabit ang isang simpleng wallclock. limang minuto bago mag-alas otso. tumayo na ako upang ayusin ang mga gamit ko. maya-maya lang kasi ay darating na ang sundo ko.

tahimik na ibinalik ko ang lumang photo album sa ilalam ng kama ko. pagtapos ay lumapit ako sa lalagyan ng mga sapatos upang kunin at isuot ang isang bagong itim na na sapatos na bigay ng isang kaibigan. napangiti ako bigla. noong kabataan ko, palagi akong may bagong sapatos na kinaiinggitan ng mga kaedad ko. lagi akong may mga bagong damit. pero ngayon? hindi na siguro nila ko makikilala. bihira na akong bumili ng mga bagong damit. madalas ay bigay lamang ng mga malapit kong kaibigan ang mga sinusuot kong damit at sapatos.

napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng mahihinang katok. narito na nga yata ang aking sudo.

“sino yan?”

“si lina po ito, father. halina po kayo, malapit nang mag-umpisa ang misa.” narinig kong sabi ng isang tinig mula sa labas.

“a, oo, lina. pakisabi na lang kina sister shiela na susunod na ako.”

bago ako umalis ay pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto upang tingnan kung may naiwan pang kalat sa paligid. malinis na, maaari na akong umalis. bago ako tumalikod ay muling nahagip ng aking paningin ang lumang photo album na muling nabuklat dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin. mula sa pinto ay nakita ko ang larawan na nakadikit sa huling pahina ng photo album. larawan ng isang lalaking nakasuot ng abito. iyon yata ang pinakahuli kong litrato. kinunan iyon noong kasal ni visti.

marami na ngang nangyari pagkalipas ng maraming taon. nakalimutan ko na ang hapdi ng paglisan ni kei, nagkatuluyan na sina marco at millie at masaya na ring namumuhay si visti kasama ang kanyang pamilya.

ako? heto. isa ng pari. noong bata ako, tulad ng mga batang babaeng mahilig sa fairytales, nangarap din ako ng happy ending. aba, hindi lang naman ang mga babae ang may karapatang maging hopeless romantic. dahil tulad nila, gusto ko ring magkaroon ng isang masayang pamilya. pero siguro nga, tama ang kaibigan ko. iba’t iba ang pakahulugan natin ng happy ending. wala akong asawa ngayon pero may malaking pamilya. at higit sa lahat, masaya ako kasama nila. ito nga siguro ang happy ending para sa akin, ang paglingkuran Siya.

so ano nga ba ang happy ending?mahirap bigyang kahulugan yan. depende sa tao kung ano ang paningin niya. isa pa, dapat mong tandaan na hindi napupulot sa daan ang happy ending. pinagtatrabahuhan yan. pinagsusumikapan.

maligayang pagbuo ng happy ending, kaibigan! :)

No comments:

Post a Comment